“No vax, no ride” policy, sundin muna ayon sa isang kongresista

Nakahanap ng kakampi sa Kamara ang Department of Transportation (DOTr) kasunod na rin ng ipapatupad na “no vax, no ride” policy.

Umapela si House Transportation Committee Chair Edgar Mary Sarmiento sa publiko na sumunod na muna sa polisiya ng DOTr hanggang sa maging “manageable” o makontrol ang hawaan ng COVID-19.

Paliwanag ng mambabatas, bagamat nais sundin ng ahensya ang itinakdang minimum capacity requirement sa mga public transportation, mayroon at mayroon pa ring posibleng makalusot at makapagdulot ng multiple infections.


Bunsod nito, pinayuhan ng kongresista ang mga mananakay na makisama at sumunod na muna sa atas ng DOTr lalo at napakataas pa rin ng transmission rate.

Umapela naman si Sarmiento sa DOTr na oras na bumaba at bumagal ang rate ng hawaan ay agad ding bawiin ang naturang polisiya upang hindi naman aniya masikil ang karapatan ng mga hindi pa bakunado.

Facebook Comments