
Nakadepende kung may umiiral na polisiya ng kompanya o Collective Bargaining Agreement kung makakatanggap ng bayad ang mga empleyadong hindi papasok sa November 16 – 18 na idineklarang special non-working days dahil sa 49th ASEAN Summit.
Ito ang nakasaad sa Labor Advisory No. 16, Series of 2026 ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa mga naturang araw kasi ay iiral ang “No Work, No Pay” kung kaya’t inaasahang walang sasahurin ang mga mangaggawang hindi magtatrabaho.
Pero sakali anila na mayroong CBA o polisiya ng kumpanya ay makakatanggap pa rin ang mga empleyado ng bayad kahit hindi nagtrabaho sa tatlong araw na holiday.
Habang dagdag 30% naman ng sahod ang matatanggap para sa mga magtatrabaho sa naturang mga araw.
Maaari namang tumawag ang mga mangaggawa sa hotline 1530 ng Labor Department kung may nga katanungan at iba pang impormasyon.










