
Humihingi ng pang-unawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko sa mga pansamantalang abalang idudulot ng 49th ASEAN Summit, partikular sa mga nakatira at nagtatrabaho malapit sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad.
Ayon sa pangulo, mas malaki ang benepisyong makukuha ng bansa mula sa mga kasunduang mabubuo sa summit at mga trabahong malilikha nito.
Dagdag pa ng pangulo, nakalikha na ng trabaho at oportunidad para sa mga lokal na negosyo ang mga naunang ASEAN-related meetings na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong taon.
Kabilang sa mga nakinabang ang mga maghahabi, mananahi, designer, artista, hotel workers, transport providers at mga lokal na artisan na gumawa ng mga produktong ipapakita sa mga dayuhang delegado.
Facebook Comments










