Hindi na muna magtataas ng presyo ang ilang manufacturer ng noche buena products bunsod ng COVID-19.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), pinakiusapan nila ang ilang mga negosyosyante kabilang na ang mga manufacturer ng pasta, macaroni mayonnaise, cream, at iba pang noche buena products na huwag munang magtaas ng kanilang produkto.
Sa pahayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, posible kasing mabawasan ang kanilang customer sakaling magdadagdag sila ng presyo dahil marami umanong nawalan ng trabaho bunsod ng pandemic.
Aniya, mas mamimili ng murang presyo sa mga produkto ang mga consumer bago ilabas ang bagong Suggested Retail Price (SRP) sa susunod na linggo.
Facebook Comments