Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Cabinet Secretary Karlos Nograles na isang kabiguan ang “Build, Build Build Program” ng administrasyon.
Ito ay matapos sitahin ni Senador Franklin Drilon ang kakaunting actual constructions mula sa 75 proyektong naka-linya sa ilalim ng Build, Build, Build.
Ayon kay Nograles – tuloy-tuloy naman ang infrastructure projects sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Patunay din aniya rito ang pagtaas ng economic growth ng bansa dahil sa infrastructure spending.
Matatandaang nirebisa ng gobyerno ang listahan ng flagship infra projects kung saan ilan ang hindi na itutuloy dahil mahal at hindi pa kaya ng teknolohiya ng bansa.
Hinihingi naman ng Senado sa Malacañang ang bagong listahan ng mga proyekto.
Facebook Comments