NoKor, kinukumpuni ang isa sa mga missile launch site nito ayon sa SoKor intel

Isiniwalat ng South Korean Intelligence Agencies na ibinabalik ng North Korea ang bahagi ng isang missile launch site na una nang ibinuwag.

Ito ay sa kabila ng pangako ni North Korean Leader Kim Jong-Un na babaklasin nila ang nasabing launch facility sa naging pulong nila ni US President Donald Trump noong nakaraang taon.

Batay sa briefing ng National Intelligence Service, kinumpuni ang bahagi ng bubong at pinto ng pasilidad sa Tongchang-Ri launch site.


Sa hiwalay na summit ni Kim kay South Korean President Moon Jae-In noong Setyembre, sinabi nito na kanila nang isasara ang Sohae Satellite Launching Ground.

Papahintulutan din ang mga international experts na panoorin ang pagsira sa missile engine-testing site at ang launch pad nito.

Facebook Comments