Papayagan na ang non-contact sports na Tennis at Badminton sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Pero base sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF), kailangan pa ring sundin ang social distancing at dapat umuwi agad pagkatapos ng laro.
Dapat lagi ring i-check ang temperatura ng bawat manlalaro at bawal mag-share ng mga gamit para maiwasan ang contact sa bawat isa.
Magkakaroon din ng logbook para ma-trace ang mga players sakaling may magpositibo sa COVID-19.
Facebook Comments