Non-food items na tulong ng Philippine Red Cross para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kiko, naihatid na sa Batanes

Naihatid na ng Philippine Red Cross (PRC) ang non-food items (NFIs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kiko sa Batanes.

Kabilang dito ang 1,000 tarpaulins, 1,000 jerry can o water containers, 500 sets ng shelter tool kitss, 1,500 flashlights, 263 solar lamps, 20 family tents at 50 sako ng bigas.

Bukod sa mga ipapamahagi sa mga apektadong pamilya, nakatanggap din ang PRC Batanes Chapter ng emergency fund, motorsiklo, dalawang portable generator units, portable speaker, hard hats, face masks at vitamins upang masuportahan ang isinasagawang operasyon sa pagresponde sa Bagyong Kiko.


Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, handang tumulong ang PRC sa Batanes katulad ng kanilang pagresponde noong 2016 sa Batanes nang manalasa ang Super Typhoon Ferdie at tamaan ng 5.9 magnitude na lindol noong 2019.

Uumpisahan na ng PRC ang distribusyon ng mga tulong sa mga biktima ng bagyong kiko sa unang linggo ng Oktubre.

Samantala, plano naman ng PRC at lokal na pamahalaan ng Batanes na magsanib pwersa upang matulungan ang mga pamilyang nangangailangan ng pagkukumpuni ng bahay.

Facebook Comments