Tuguegarao City, Cagayan – Isang chess tournament ang magaganap sa Lungsod ng Tuguegarao sa darating na Abril 14-15, 2018.
Ito ay binansagang 1st CEZA Invitational Chess Open Tournament na pangunahing sinusuportahan ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA sa pamumuno ni CEZA Administrator Attorney Raul Lambino.
Ayon sa punong tagapamahala ng torneo na si Ginoong Apolinario Agustin ng Cagayan Chess Development Club Incorporated (CCDCI) sa panayam ng RMN Cauayan News, suporatado din umano ito ni Cagayan 3rd District Congressman Randy S Ting bilang bahagi ng kanyang sports program.
Bukas ang torneo sa lahat na non-master chess players ng Cagayan Valely edad 13 pataas.
Ang palaro ay gaganapin sa Conference Hall ng Cagayan National High School sa Lungsod ng Tuguegarao.
Ito ay 7-Round Swiss System kung saan ang kada player ay mayroong 20 minuto na oras sa paglalaro. Magsisimula ito ng alas otso ng umaga sa araw ng Abril 14, 2018.
Kasalukuyan na ang rehistarsyon sa pamamagitan ng CCDCI at ang registration fee ay dalawang daang piso.
Samantala ang naghihintay na premyo ay P 7, 000.00 para sa magiging kampeon, ang pangalawa ay P 5, 000.00, pangatlo ay P 3, 000.00, pang apat ay P 2, 000.00 at ang pang-lima hangang pang sampung puwesto ay P 1, 000.00.
Ang rehistrasyon ay hanggang Abril 12, 2018. Puwede ring makipag-ugnayan sa CCDCI sa pamamagitan ng cellphone number 09355451521 para sa nais sumali sa torneong ito.