Normal na pamumuhay, posibleng maibalik sa 2023 – Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magbalik sa normal ang pamumuhay ng lahat sa una o ikalawang kwarter ng taong 2023.

Ayon kay Pangulong Duterte, pabibilisin na niya ang immunization program laban sa COVID-19 kasunod ng pagdating ng 600,000 doses mula China.

Bukod dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na inaasahang maaabot ang herd immunity laban sa sakit sa 2022.


Pero aminado ang Pangulo na hindi niya masyado alam ang terminolohiyang ito.

Aniya, mahihirapan ang bansa na makamit ang herd immunity lalo na at isang archipelago ang bansa.

Bukod dito, hindi lahat ng tao ay gustong magpabakuna laban sa sakit.

Facebook Comments