Norman Black at Caloy Garcia, opisyal nang isinama sa coaching staff ng FIBA Asia Cup qualifiers

Opisyal nang isinama sa coaching staff ng Philippine men’s basketball team na lalahok sa ikatlo at huling bahagi ng FIBA Asia Cup qualifiers sina Norman Black at Caloy Garcia.

Mag-uumpisa ito sa bubble training sa Inspire Sports Academy sa Laguna ngayong buwan.

Itinakda naman ang qualifiers mula Pebrero 18 hanggang 21 sa ilalim ng bubble set-up sa Clark Mimosa gaya ng PBA Season 45.


Ayon kay Black, kaagad niyang tinanggap ang alok ni Gilas Program Director Tab Baldwin na maging bahagi ng national team.

Habang ayon naman kay Garcia, welcome para sa kaniya ang isa pang oportunidad na maging parte ng pambansang koponan matapos na maging bahagi ng staff ni Yeng Guiao noong qualifiers at FIBA World Cup proper noong 2019.

Facebook Comments