Dominic Roque at Bea Alonzo, magkarelasyon na nga ba?

96

Marami ang kinilig sa unti-unting pagpapahiwatig nina Dominic Roque at Bea Alonzo ng kanilang relasyon.

Ito ay matapos mag-post si Dominic ng ilang litrato ng hinihinalang kuha sa date night nila ni Bea sa isang Japanese restaurant sa BGC, Taguig City.


Sa mga naunang picture, solo lang si Dominic na nakangiti habang may hawak na chopsticks.

Sa Instagram post naman ni Bea, solo lang din siya habang may hawak na wine glass.

Magkaiba man ang posting dates ang kani-kanilang photo, hindi maikakaila na si Dominic ang kumuha ng litrato ni Bea.

Kilala si Dominic sa pagkuha ng magagandang pictures ng mga taong malapit sa kanya.




Nag-umpisa sa pagiging simpleng magkaibigan ang ugnayan nina Bea at Dominic noong magkasama silang nag-travel sa Japan noong November 2019.

Hanggang sa nagsimulang magpahiwatig si Dominic na nabighani siya kay Bea.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon sa dalawa sa umano’y kanilang relasyon.

Facebook Comments