North Korea, nagpakawala na naman ng ballistic missile ngayong araw

North Korea – Nagpakawala na naman ng ballistic missile ang North Korea ngayong raw.

Batay sa ulat ng Joint Chiefs of Staff ng South korea – dakong alas-8:40 ng umaga, oras sa Pilipinas ng magpakawala ng missile test sa Banghyon sa North Pyongan.

Patungo sa direksyon ng karagatang sakop ng Japan ang nasabing missile.


Matatandaang nasa apat na anti-ship missile ang pinakawalan ng North Korea noong nakaraang buwan.

Una nang nagbabala si Chinese Ambassador to the United Nations Liu Jieyi sa mala-delubyong epekto sakaling mabigo ang mga makapangyarihang bansa na makahanap ng solusyon upang mapahupa ang tensyon sa Korean peninsula.

Facebook Comments