Notoryus na carnapper, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang isang notoryus na carnapper na modus na magpanggap na bibili ng mga motorsiklo sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa biktimang si Tony, nakipagkita siya sa buyer na si Jamille dela Cruz sa Tayuman para ibenta ang kaniyang motorsiklo sa halagang P100,000.

Pagdating ng suspek, kinilatis niya ang motor at nagpaalam na i-test drive ito pero biglang pinaharurot ang takbo.


Sa follow up operation, nakita ang motorsiklo ni Tony sa isang car wash shop pero wala na ang kaha nito.

Dito na naaresto ang suspek na napag-alaman na may tatlo pa siyang nabiktima sa kaparehong modus.

Maliban kay Dela Cruz, hinuli rin ang isang John Kenneth Esperanza na bumili sa nakaw na motor.

Facebook Comments