Manila, Philippines – Nahulog sa entrapment operation ng Anti-Carnapping Unit ng Manila Police District ang isang Kuniharu Mangaron na nahuli sa akto nagnakaw ng motorsiklo sa gasolinahan sa Tayuman St. corner Abad Santos Avenue Tondo Maynila kagabi.
Kwento ng may-ari ng motorsiklo, June 28 nang madaling araw nang nakawin ng dalawang lalaki ang motorsiklo na nakaparada sa kanilang garahe.
Nakita na lang niya kahapon na ginagawa ang motorsiklo sa isang talyer sa area ng Tayuman.
Doon na kinausap ng may-ari ang mekaniko at tinanong kung sino ang nagpapagawa ng motorsiklo na tinanggalan na ng plaka.
Sabi ng mekaniko, pinapapalitan sa kanya ni Mangaron ang susian ng motorsiklo at ipinabenta sa halagang P15,000
Sa tulong ng mekaniko, nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng ANCAR at nakipagkita ang suspek.
Nang magkaabutan na ng pera ay inaresto na si Mangaron.
Ayon kay Police Senior Inspector Jake Arcilla, hepe ng MPD ANCAR, tukoy na nila ang kasamahan ng suspek pero patuloy pa itong hinahanap.
Itinanggi ng suspek na siya ang nagnakaw ng motorsiklo sabay giit na ipinabenta lang sa kanya ito ng isang alias Toto.
Hindi rin niya alam na nakaw ang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law at Anti-Carnapping Law.