Manila, Philippines – Naaresto ng tropa ng Militar ang isang noturyos na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Brgy. Buhanginan Patikul Sulu.
Kinilala ang naarestong bandido na si Miham Saham 24 anyos residente ng Barangay Bangkal, Patikul,Sulu.
Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander Joint Task Force Sulu, alas-sais kagabi ng maaresto si Saham.
Si Sahaman ay kumpirmadong tauhan ng top leader ng ASG na si Radullan Sahiron matapos na tukuyin ng informant ng AFP.
Dati rin syang napasama sa grupo nina sub leaders Hairulla Asbang at Alhabsy Misaya.
Nakuha kay Saham ang ibat ibang components ng Improvised Explosive Device, katulad ng Ammunition Nitrate Fuel Oil na mayroong detonating cord, electrical wires at electrical tape.
Isinasailalim ang bandido sa debriefing sa 45IB headquarters.
Gagamitin namang ebidensya ng militar ang mga nakuhang explosive components laban kay Saham para masampahan ito ng kaso.