NP, buo ang suporta kay Cayetano para maging house speaker

139

Manila, Philippines – Nakasuporta sa karera ni Congressman elect Alan Peter Cayetano para maging house speaker ang kinabibilangan nitong Nationalista Party o NP.

Ito ang tiniyak ni NP Senator Cynthia Villar.


Sinabi din ni Villar na bagamat malaking bagay kung may suporta ng Pangulo ang uupong house speaker ay malinaw naman ang naging pahayag ni President Rodrigo Duterte na hindi ito makikialam sa house speakership dahil pawang kaibigan niya ang naghahangad na maging lider ng Mababang Kapulungan.

45 ang mga kongresistang miyembro ng Nacionalista Party.

Bukod sa NP ay nakasuporta din kay Cayetano para maging house speaker ang 28 mga taga National Unity Party o NUP.

Facebook Comments

From Advertisers