NPA, IDINEKLARANG PERSONA NON GRATA SA ILAGAN CITY, ISABELA!

*Cauayan City* – bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulo Rodrigo Duterte, idinekra ng Legislative Council ng Ilagan city na persona non grata ang NPA sa lungsod.

Sa naging pagpapahayag ni Sanguniang Panlungsod member Rolando Tugade, chairman ng Peace, Order and Safety na ang pagdedeklarang persona non grata sa nasabing pangkat kasama ang mga kaalyado nitong grupo at organisasyon ay bilang pagtugon sa kahilingan ng ibang barangay sa kanilang lungsod.

Matatandaan na ilang barangay captain ng Ilagan City ang nagpadala sa konseho ng resolusyong ideklarang persona non grata ang CPP NPA. Dagdag pa ni Tugade na ito ay para bigyan daan ang katahimikan at pag unlad sa lungsod ng Ilagan.


Ayon naman kay Sanguniang Panlungsod member Jay Eveson Diaz, sa naging panayam ng 98.5 iFm Cauayan City nagiging sagka sa progreso ang ilang mga aktibidad ng nasabing hukbong pangkat. Pinasaringan nito na ang ilang barangay kapitan na supporters ng NPA ang siyang gumagawa ng problema tulad ng isinasagawa nilang rally at protesta, kayat hinikayat niya ang mga ito na suportahan na lamang ang adhikain ng lokal na pamahalaan ng Ilagan city.

Kilala ang ilang barangay na nasasakupan ng lungsod ng Ilagan bilang balwarte ng grupo ng NPA sa lalawigan. Hindi lingid sa kaalaman na malakas ang pwersa ng rebolusyunaryong pangkat dito. Sa katunayan, batay sa intelligence report ng militar, matatgpuan sa ilang barangay ng lungsod ang ilang malalaking kampo ng NPA.

Facebook Comments