Manila, Philippines – Napasama ang New People’s Army sa listahan ng “Top Terrorist Organization in the World”, batay sa 2017 report ng Center for Strategic and International Studies (CSIS).
Ayon sa Washington-based think tank – kahilera ng NPA ang Islamic State, Boko Haram at Taliban sa top ten list.
Nasa pang-siyam na pwesto ang npa na mayroong “119 coordinated terrorist attacks” mula taong 2000 hanggang 2014.
Pinagbasehan ng ulat ang mga pag-atake ang komunistang grupo sa kabila ng peace talks sa pamahalaan.
Nahigitan din ng npa ang mga pag-atakeng inilunsad ng Moro Islamic Liberation Front na umaabot ng 63 habang nasa 55 attacks naman ang Bangsamoro Islamic Freedom Movement.
Ikinumpara ng CSIS ang serye ng mga pag-atake sa iba’t ibang panig ng mundo at nangunguna sa listahan ang isis na mayroong 757 attacks.
DZXL558