Sinertipikahan na ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 response facilities ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay dating NCRPO Chief at ngayon ay PNP Chief Police Major Gen. Debold Sinas, ipina-audit niya ang mga pasilidad upang malaman kung ligtas at akma ba ang kanilang mga itinayong pasilidad laban sa COVID-19.
Aniya, pumasa at pasok sa mga pamantayan ng DOH ang kanilang COVID-19 facilities, tulad ng pagkakaroon ng isa hanggang dalawang kama bawat kwarto ng kanilang quarantine facilities.
Dagdag pa ni Sinas, nakita ng DOH na mayroong malinaw na polisiya ang NCRPO sa kanilang mga quarantine facility at emergency health treatment.
Kaya naman umaasa si Sinas na magiging zero case sa COVID-19 ang NCRPO sa susunod na mga araw.
Si Sinas ay nagsilbi bilang NCRPO chief ng mahigit isang taon.