NTF-ELCAC, binalewala ang panawagan ng Kabataan Party-list na buwagin ang kanilang grupo

Binalewala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang panawagan ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na buwagin na ang National Task Force.

Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson for Social Media and Sectoral Concerns Usec. Lorraine Marie T. Badoy, na natural lang na gustong ipabuwag ni Manuel ang Task Force dahil operatiba siya ng CPP-NPA-NDF at sumusunod lang sa utos ng CPP Central Committee.

Sinabi pa ni Badoy, ang Kabataan Party-list ang numero unong Recruiter ng CPP-NPA-NDF.


Aniya, hindi rin ikinagulat ng NTF-ELCAC ang pahayag ni Manuel na walang mabuting nagawa ang bilyong pisong pondo ng NTF-ELCAC.

Paliwanag ni Badoy, talaga namang walang mabuting nagawa ang pondo para sa CPP-NPA-NDF, dahil ang mga barangay na nakinabang sa mga proyektong pinaggastusan ng nasabing pondo ay itinatakwil na ngayon ang mga teroristang komunista.

Para kay Badoy, palubog na ang kilusang komunista sa pagsuko ng mahigit 25 miymebro at supporter at pagkabuwag ng 51 sa 68 guerilla fronts ng kalaban mula nang magsimula ang NTF-ELCAC.

Facebook Comments