Senator-elect Chiz Escudero, tiyak na ang pagsapi sa majority bloc

66

Target ni Senator Koko Pimentel na mabuo ang isang dream minority bloc sa Senado at kabilang sa kakausapin niyang sumapi dito sina Senator-elect Chiz Escudero at ang magkapatid na sina Senator Pia Cayetano at Senator elect Alan Peter Cayetano.

Kung sakali ay apat silang abogado na magkakasama-sama sa minority bloc, kasama rin si re-elected Senator Risa Hontiveros.

Pero mukhang malabo na itong mangyari makaraang ihayag ni Escudero na iboboto niya bilang susunod na Senate President si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kaya siya ay sa majority bloc na sasapi.


Agad namang pinasalamatan ni Zubiri si Escudero dahil sa suporta nito at pagiging isang mabuting kaibigan sa loob ng 24 na taon simula ng sila ay miyembro pa ng mababang kapulungan.

Diin ni Zubiri, bilang isang beteranong mambabatas at matalinong abogado ay malaki ang mai-aambag ni Escudero sa Senate Majority bloc para sa pagbalangkas at pagpasa ng mga batas na para sa kapakanan ng mamamayan at ng ating bansa.

Facebook Comments