Mga pulis na may significant role para maging maayos at payapa ang May 9 election, binigyan ng parangal

75

Nakatanggap ng Medalya ng Pambihirang Paglilingkod ang mga police officials na may significant role kaya naging payapa at malinis na national at local elections noong May 9, 2022.

Mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang nagbigay ng parangal sa mga police officials.

Ito ay sina Police Major General Valeriano de Leon, Philippine National Police (PNP) Director for Operations BGen. Allan Nobleza, BGen. Limuel Obon, BGen. Ronnie Francis Cariaga at Police Col. Gideon Dy.


Nagpasalamat naman si De Leon sa pagkilala at parangal na ibinigay ng DILG at sinabing ang sakripisyon at hard work ng mga tauhan ng PNP ay malaking kontribusyon kaya naging payapa, maayos at tapat ang May 9 election.

Facebook Comments