NTF-ELCAC, hindi dapat tanggalan ng pondo

Tutol si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang defunding sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil magdudulot ito ng pagkaantala sa anti-insurgency campaign ng pamahalaan.

Sinabi ni Go na maganda na ang takbo ng kampanya ng gobyerno laban sa insurgency dahil sa mga programa ng NTF-ELCAC.

Binigyang diin ni Go na ang pondo ng NTF-ELCAC ay hindi naman nakalaan para makipagpatayan at sa halip ay para hikayatin ang mga barangay na may maitutulong sila sa kanilang komunidad.


Nasa P16-billion ang budget para sa Support to Barangay Development Program ng NTF-ELCAC para sa 822 barangays sa iba’t ibang bahagi ng bansa na cleared na sa insurgency.

Muli namang tiniyak ni Go ang kanyang suporta sa militar at pulisya sa anti-insurgency campaign.

Facebook Comments