Paggamit ng body cam ng mga pulis, inaasahang kasama sa mga unang ipapatupad ni PNP chief Eleazar

40

Iginiit ni Sen. Grace Poe kay Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na isama sa kanyang mga unang ipapatupad ang paggamit ng mga pulis ng body cameras.

Tiwala si Poe na agad tatalima si Gen Eleazar sa kautusan ng Supreme Court na gumamit ng body cam ang pulis, lalo na sa pagsisilbi ng arrest and search warrants.


Ayon kay Poe, kilala si PNP Chief Eleazar na masipag magsagawa ng mga inspections at pagtiyak na lahat ng kanyang mga tauhan ay gumaganap ng mahusay sa kanilang trabaho.

Diin ni Poe, malaking aspeto ang paggamit ng body cam ng mga pulis at dash cam sa mga patrol cars para makamit ang hangad ni Gen. Eleazar na gawing mas professional sa pagtupad ng tungkulin ang mga otoridad.

Dagdag pa ni Poe ang body cameras ay affordable technology na ginagamit na rin ng pwersa ng kapulisan sa buong mundo.

Facebook Comments