NTF medical adviser, sinabing posibleng hindi na magsuot ng face mask sa open area sa huling bahagi ng 2022

Posibleng hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa huling bahagi ng taon sa mga open spaces areas kapag nakamit na ang 90 million fully vaccinated na mga Filipino.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na kapag 90% na ng ating populasyon ang bakunado ay mataas na ang proteksyon mula sa virus kung kaya’t maituturing na tayong protektado laban sa nakahahawang sakit.

Reaksyon ito ni Herbosa sa naging pahayag ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na hindi na ire-require pa ang pagsusuot ng face mask sa 4th quarter ng taon.


Pero binigyang diin nito na marami pang factors ang titignan ng pamahalaan bago tuluyang sabihing hindi na requirement ang pagsusuot ng face mask.

Kabilang na aniya rito ang posibleng pag-usbong ng panibagong variants at ang bumababang immunity mula sa bakuna.

Kung kaya’t napakahalaga pa ring magsuot ng face mask sa ngayon dahil nakakapagbibigay ito ng karagdagang proteksyon.

Facebook Comments