9 na pulis na umano ay pumatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at 3 iba pa, sumuko

Ihaharap kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos ang siyam na pulis na itinuturong suspek sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Ito ay matapos na sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group – Detective Special Operations Unit sa Kampo Crame kagabi.

Ayon kay PLtC. Mon Sawan, Tagapagsalita ng CIDG, bukod sa siyam na pulis, may tatlo pang sibilyan na sangkot din sa krimen ang sumuko na rin.


March 8 ng nakalipas na taon nang pagbabarilin si Mayor Aquino kasama ang driver nito at dalawang pulis habang lulan ng sinasakyan nilang van.

Kabilang sa mga kinasuhan ng Department of Justice ng apat na bilang ng murder at frustrated murder sina PLtC. Harry Villar Sucayre ang siyang team leader ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group oPNP IMEG sa lugar.

Gayundin sina PMaj. Shyrille Co Tan; PCapt. Dino Laurente Goles; PLt. Julio Salcedo Armeza Jr.; PSSgt. Neil Matarum Cebu; PSSgt. Edsel Tan Omega; PSSgt. Randy Caones Merelos; PCpl. Julius Udtujan Garcia at Patrolman Niño Cuadra Salem.

Facebook Comments