NTF, papanatilihin ang 500,000 mababakunahan kada araw para maabot ang 77-M fully vaccinated pagsapit ng Marso

Hindi dapat bumaba sa 500,000 indibidwal ang mababakunahan ng pamahalaan sa kada araw.

Ito ang sinabi ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, dahil target ng pamahalaan na makamit ang 77 milyong fully vaccinated individuals pagsapit ng katapusan ng Marso at 90 milyon naman bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ani Herbosa, patuloy ang pagkumbinsi nila sa 2.5 milyon pang mga senior citizen na magpabakuna na dahil napatunayan namang kapag sila ang tinamaan ng COVID-19 ay malaki ang tyansa na mauwi ito sa severe o posibleng kamatayan.


Giit pa nito, malapit na ang bansa sa inaasahang pagtatapos ng pandemya kaya sana ay huwag nang sayangin pa ang mga pinaghirapan nating lahat sa nakalipas na dalawang taon para makarating tayo sa new normal.

Facebook Comments