Number 1 most wanted person ng Taguig City Police Station 2, patay matapos pagbabarilin sa Bicutan

New Lower Bicutan – Patay ang itinuturing na top 1 most wanted person ng Taguig City Police Station 2 matapos pagbabarilin sa Sitio Ulingan, Barangay New Lower Bicutan.

Kinilala ang nasawi na si Ronie Sta. Ana na mas sikat sa alyas na “bayawak”.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril si bayawak ng kasama nito na nakilala naman sa alyas na “Mamonong”.


Nabatid na sangkot sa mga iligal na gawain ang dalawa kung saan tinitignan anggulo ngayon na onsehan sa iligal na droga ang dahilan ng insidente.

Facebook Comments