Sekyu, pinagbabaril ang katrabaho sa Marikina City

Marikina City – Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang security guard na nakapatay sa katrabaho nito sa Eco Vil Street, Barangay Fortune, Marikina City.

Sa ulat, bigla na lamang pinagbabail ng suspek na si Jay Jalapadan ang biktimang si Randy Santos matapos silang magtalo dahil sa kanilang trabaho.

Dead on the spot ang biktima habang mabilis naman tumakas ang suspek matapos ang insidente.


Lumalabas sa imbestigasyon na matagal na pa lang may alitan ang dalawa kung saan hinala ng suspek na nasasapawan siya sa trabaho ng biktima.

Facebook Comments