NUMBER CODING SA DAGUPAN CITY, POSIBLENG ALISIN

Pinag-uusapan na ang posibleng pagtatanggal ng number coding sa lungsod ng Dagupan.
Nagpulong ang kawani ng lokal na pamahalaan kasama ang PNP, POSO at ang alkalde ng lungsod.
Layunin nitong matulungang maibangon ang ekonomiya ng lungsod.

Tinalakay din ang pag enforce ng No Parking at pagpataw ng kaukulang multa sa mga nag-do-double parking.
Kailangan ding sumunod sa mga batas trapiko ang mga pedestrians at drivers lalo sa loading at unloading areas.
Dapat ding may kaukulang konsiderasyon sa mga establisyimento para sa mga loading at unloading ng kanilang merchandise na mabibigat gaya sa mga hardware.
Matatandaang ipinatupad ang number coding scheme sa lungsod noong 2020 upang maregula ang operasyon ng mga sasakyan sa lungsod dahil sa community quarantine noon. | ifmnews
Facebook Comments