P4,500-5,000 Cash Assistance, Natanggap ng 100 Persons With Disabilities

25
Cauayan City, Isabela- Umabot sa 100 indibidwal mula sa labing-anim (16) barangay ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Bontoc Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon kay Social Welfare Officer I Rachel Ebfan, apat na Persons With Disabilities (PWDs) ang nabigyan ng P5,000 cash bilang medical assistance habang 96 indibidwal ang nakatanggap naman ng P4,500 bilang food assistance.

Ayon kay Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr., tiniyak nito ang pagkakasama ng mga PWD sa mabibigyan ng cash assistance.

Ang cash assistance ay mula sa ₱5-million fund mula sa national government sa ilalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGUs) na ginamit ng Bontoc LGU para magamit para sa tulong sa mga indigent na indibidwal.

Ang mga PWD beneficiaries ay hindi nakatanggap ng anumang tulong mula sa iba pang programa kaya’t napabilang sila sa nabigyan batay na rin sa beripikasyon ng Municipal Disability Affairs Office (MDAO).

Facebook Comments