Number Coding scheme sa Makati City, pansamantalang sinuspinde

Inanunsyo ngayong umaga ng Pamahalaang lungsod ng Makati na pansamantalang nilang sinuspinde ang Number Coding scheme na ipinatutupad sa kanilang lungsod habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Atty. Don Camiña, Makati City Legal Officer at Spokesman na nakita nila na kaunti lang ang mga kotse sa Makati kaya naman napagdesisyunan nilang i-lift ang coding implementation.

Aniya, importante pa rin masiguradong maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod habang nagpapatupad ng community quarantine.


Matatandaang, isa ang Makati City sa mga lungsod ng Metro Manila ang nagpapatupad ng number coding kahit umiiral ang community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments