Sa budget briefing sa Kamara ay inihayag ng Department of Science and Technology o DOST ang planong 2 hanggang 3 beses kada linggo na pagbibigay ng “Nutribun” sa mga batang estudyante sa buong bansa.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, ito ay nakapaloob sa school feeding program ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon lalo’t balik na ang face-to-face classes.
Sabi ni Solidum, ang papel ng DOST ay magresearch para mas lalong maging masustansiya ang nutriban na naglevel up na at may iba’t ibang flavors gaya ng carrots, kamote at kalabasa.
Binanggit naman ni Dra. Imelda Angeles-Agdepa, na siyang direktor ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI-DOST, na bukod sa DepEd ay nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Nutrition Council o NNC pagpapakain ng Nutribun sa mga mag-aaral.