DA Usec. Domingo Panganiban, aminadong malaking isyu ang korapsyon at katiwalian sa kagawaran

65

Aminado si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban na ang pangunahing isyu sa naturang kagawaran ay korapsyon at katiwalian.

Sa isang panayam, sinabi ni Panganiban na nasa proseso na sila ng pagtugis sa mga posibleng sangkot dito, pero kailangan pa aniya na pag-aaralan ito.

Dagdag pa ng opisyal, nakatutok ang pangulo sa seguridad ng pagkain sa bansa.


Una na rin kinumpirma ni Panganiban na sa katapusan pa ng taon malalaman ang tunay na estado ng suplay na asukal sa bansa.

Si Panganiban ang nagsisilbing kinatawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa DA.

Facebook Comments