NWRB at water concessionaires, magpupulong kaugnay sa water service interruption

Nakatakdang magpulong ang National Water Resources Board (NWRB) at mga water concessionaires ngayong araw para mailatag ang plano para sa mga lugar na maapektuhan ng water service interruption.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David – kapag bumaba pa sa 160 meters ang lebel ng tubig ay kritikal na ito at magdudulot ng malaking problema.


Matatamaan nito ang mga residenteng sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water.

Dagdag ni David, kahit may mga pag-ulang nararanasan ay wala pa rin epekto ito sa mga dam.

Suhestyon ng NWRB sa mga lokal na pamahalaan na maglunsad ng kanilang tipid-tubig scheme.

Facebook Comments