NWRB, kinumpirmang bahagyang tumaas ang level ng tubig sa Angat dam

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources – National Water Resources Board o NWRB na bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Bunga naman ito ng mga naranasang pag ulan noong isang araw sa malaking bahagi ng Luzon.

Batay sa monitoring ng NWRB, tumaas ng bahagya sa 194.15 meters mula sa pinakamababang elevation na 190.63 meters noong Abril 4, 2022.


Bagaman napabuti ng bahagya ng pagtaas water elevation ng dam, hindi pa rin nakatitiyak sa antas ng tubig nito.

Ayon sa latest rainfall forecast at Angat Dam water level simulation, ang pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay aabot sa 183.98 meters sa Hunyo.

Dahil dito, maaaring hindi ito aabot sa nakatakdang minimum operating water level na 180 meters.

Dahil dito, hinimok ng NWRB ang publiko na maging masinop sa paggamit ng tubig.

Facebook Comments