Mga Makabagong Bayani, pinasalamatan ng kamara ngayong araw ng kagitingan

61

Pinasalamatan ng liderato ng Kamara ang mga modern-day heroes ngayong araw ng Kagitingan.

Ngayong ginugunita ang katapangan at pagkamakabayan ng mga mandirigmang Pilipino noong panahon ng World War II, ay binibigyang pagpupugay din ng Kamara ang mga makabagong bayani ng panahon.

Kabilang na rito ang mga COVID-19 frontliners, overseas Filipino workers at mga matatapang na sundalo.


Para sa house leadership, hindi sapat ang pasasalamat sa mga ginawa ng mga ito na sakripisyo at pagaalay ng buhay para sa nakararami.

Hinimok ng Kamara ang publiko na pasalamatan at taimtim na gunitain ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino para sa bayan at para sa kapwa.

Facebook Comments