NYC Chairman Ronald Cardema, umani ng batikos mula sa mga Senador

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng ilang Senador ang hiling ni National Youth Commission o NYC Chairman Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng scholarship ang mga estudyante na lumalahok sa anti government rallies at protest actions.

Giit ni Senator Francis Kiko Pangilinan, hindi iligal ang sumama sa mga organisasyon na makakaliwa at lalong hindi iligal at krimen ang mag protesta o sumali sa mga rally.

Para kay Pangilinan, ang NYC ang gumagawa ng iligal na hakbang kung itutuloy nila ang nabanggit na iligal na patakaran.


Paliwanag naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, kahit mga iskolar ng gobyerno na nagpapakita ng pagkontra sa gobyerno ay may karapatan din bilang mamamayan ng Pilipinas.

Apela naman ni Senator Bam Aquino, huwag haluan ng pulitika at mas lalong huwag gamitin para manggipit ang pinagsikapan Na maging libre ang kolehiyo para mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makaahon.

Una ng nanawagan si Senator Chiz Escudero na sipain si Cardema sa pwesto dahil wala itong alam sa konstitusyon na siyang nagbibigay garantiya sa kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon.

Facebook Comments