Idinaan sa pagtakbo ng nakahubad ng mga lalaking miyembro ng Alpha Phi Omega fraternity ang kanilang pagtutol sa konstruksyon ng Kaliwa Dam.
Sa taunang paggunita sa anibersaryo ng APO fraternity, nagsagawa ng oblation run ang mga miyembro nito sa loob ng UP Diliman Campus kung saan bitbit ang mga placard ng kanilang pagtutol.
Bukod sa Kaliwa Dam, kinalampag din nila ang maraming sector sa lumalalang problema sa climate change at kawalan ng kaalaman sa paghahanda sa mga kalamidad.
Gaya ng nakagawian, maraming mga manonood ang nagtungo sa UP Diliman upang saksihan ang taunang oblation run na ginagawa ng mga miyembro ng APO fraternity.
Tiniyak naman ng nasabing grupo na hindi nila gagawin ang tumakbo ng nakahubad sa pagdiriwang ng EDSA People Power sa Pebrero 25 bagama’t sinusuportahan nila ang mga isyung ihahain ng mga magsasagawa ng mga kilos protesta.