Tatlong mga motorista ang binawian ng buhay sa dalawang magkahiwalay na insidente sa loob lamang ng dalawang araw sa probinsiya ng Camarines Sir.
Sa bayan ng Ocampo, dalawang drivers ang namatay at isang backrider ang naospital nitong nakaraang sabado lamang bandang alas 12 ng hatinggabi.
Isang Suzuki rider kulay itim na minamaneho ni Bernie Magistrado y Rodriguez, edad 43, kasama ang isang backrider na kinilalang si Joshua, mga taga Barangay San Vicente ng kaparehong bayan, ang bumangga-head-on – sa isang color white Suzuki smash motorcycle na minamaneho ni Jamerson Taduran y Amocan, edad 24 at residente ng Iriga City.
Kapwa sinikap ng mga nag-rescue na dalahin sa Bicol Medical Center ang mga ito pero dineklarang dead-on-arrival ang mga drivers samantalang malubha naman, pero nasa ligtas ng kalagayan.
Samantala, sa bayan naman ng Baao, Camarines Sur, isa rin ang binawian ng buhay dahil sa aksidente sa motorsiklo kamakalawa.
Ayon sa report, nangyari ang insidente bandang alas 6 ng hapon sa Barangay Sta. Teresita ng nabaanggit na bayan. Isang bisikleta ang minamaneho ng isang Andres Broca, menor-de-edad, at residente ng Bayan ng Pili ang sinundot ng motorsiklo na minamaneho ni Rey De Luna, residente rin ng nasabing bayan.
Dahil mabilis ang takbo ng motorsiklo, nasundot nito ang bisikleta at tuluyan ng nawalan ng control na nagresulta sa road crash. Matindi ang tamas a ulo ng driver ng motorsiklo.
Kaagad namang naagapan at nadala sa Bicol Medical Center ang mga ito subalit binawian ng buhay ang motorista dahil sa grabeng tama sa kanyang ulo at katawan.
* photocredit – shared by fb account of Andy Nacario
* dwnx-doble pasada
* Radyoman Manny Basa