Nananatili pa ring mataas ang occupancy rate ng mga ospital sa Metro Manila.
Ito ay kahit nakikita na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, tinatayang nasa 4,300 cases pa rin ang naitatala kada araw habang ang reproduction rate o bilis ng hawaan ay nasa 0.96.
Nasa 25% naman ang negative growth rate o ibinaba ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon ay nasa high-level pa rin ang occupancy rate ng mga ospital.
Habang paliwanag pa ni David kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ay posibleng maramdaman ng pagluwag ang mga ospital sa susunod na buwan.
Facebook Comments