Occupancy rate sa Pasay City General Hospital, nasa moderate risk na lamang

24

Kinumpirma ng pamunuan ng Pasay City General Hospital na nasa ‘moderate risk’ na lamang ang occupancy rate ng nasabing ospital para sa COVID-19 wards.

Ayon sa pamunuan ng nasabing ospital, 65% na lamang occupancy rate para sa COVID confirmed ward.


Gayunman, nananatili pa anilang okupado ang walong COVID ICU beds ng ospital.

Habang may bakante naman na 11 regular COVIID beds at wala ring naitalang bagong namatay na COVID patient.

Bukas na rin ang emergency room ng Pasay City General Hospital para sa COVID confirmed at non-COVID cases.

Isa na lamang din ang aktibong COVID case sa hanay ng medical frontliners ng pagamutan.



Ang naturang empleyado ay may mild symptoms lamang at naka-home quarantine.


Facebook Comments