OCD, handa na sa Traslacion 2025

All systems go na ang Office of Civil Defense (OCD) para sa Traslacion 2025.

Kahapon ay personal na binisita ni OCD-NCR Director George Keyser ang mga lugar na daraanan ng prusisyon maging ang mga pagdadalhan sa mga masusugatang mga deboto.

Kabilang dito ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office Emergency Operations Center, Kartilya ng Katipunan Regional Incident Management Team Command Post, Quiapo Multi-Agency Command Center at Quirino Grandstand.


Siniguro rin nito ang koordinasyon ng mga ahensya sa pamamagitan ng Virtual Emergency Operations Center para sa mabilis na tugon sa anumang insidente at real time communication sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng Manila Police District na simula alas 4 ng umaga bukas, January 9, 2025 ay wala nang signal sa paligid ng Quiapo Church hanggang maibalik ang Poong Nazareno pagkatapos ng prusisyon.

Mahigpit ding ipatutupad ang no-sail zone at ang pagbabawal sa pagpapalipad ng drone mula January 5 hanggang January 10, 2025.

Facebook Comments