OCD, pinag-iingat ang mga residente ng Batangas sa volcanic smog

Patuloy na pinag-iingat ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga residente ng Batangas na apektado ng volcanic smog o vog.

Ayon sa OCD, ang vog ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na hangga’t maari ay manatili na lamang sa loob ng tahanan.


Sakali namang lalabas ay mainam na gumamit ng N95 face mask bilang proteksyon.

Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga.

Pinapayuhan din ang mga may kapansanan partikular na ang may hika, sakit sa baga at puso gayundin ang mga bata, buntis at nakatatanda na subaybayan ang kanilang kalusugan at agad na magpatingin sa doktor kung may kakaibang nararamdaman.

Facebook Comments