OCTA, naka-monitor sa bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa

Nagkaroon ng uptick o bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research group na partikular ito sa Central Luzon at Northern Mindanao.

Paglilinaw ni David, nananatiling nasa low risk classification pa rin ang bansa bagama’t hindi dapat magpakampante ang publiko.


Dagdag pa nito, posibleng tumaas talaga ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sunod-sunod ang malalaking pagtitipon tulad ng Ramadan, Holy Week at ang eleksyon sa Mayo.

Paalala ng Octa sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards at magpa-booster shot na.

Ito ay kung sakali mang makapasok sa bansa ang Omicron XE ay protektado pa rin ang publiko laban sa virus.

Facebook Comments