OCTA, pabor na unahin muna ang health workers, immunocompromised individuals at mga senior citizen na maturukan ng 2nd booster shot

Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila ay naniniwala si Dr. Guido David ng OCTA Research Group na dapat unahin pa ring mabigyan ng 2nd booster dose ang mga immunocompromised individual, medical health workers at mga nakatatanda.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni David na hindi pa napapanahong turukan na rin ng 2nd booster shot ang general population.

Paliwanag ni David, kasalukuyan pang pinag-aaralan ng mga eksperto at ng ating vaccine expert panel kung dapat nang bigyan ng 2nd booster ang general population at sila ang gagawa ng rekomendasyon hinggil dito.


Giit pa ni David, sa ibang mga bansa tinuturukan na ng 2nd booster ang 50 taong gulang pataas pero hindi niya sigurado kung gagayahin din ito ng bansa.

Base kasi sa mga pag-aaral, sapat pa ang proteksyong hatid ng 1st booster para sa mga healthy individual bilang proteksyon sa COVID-19.

Facebook Comments