Pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, nakikita na rin sa ilang bahagi ng Calabarzon, Benguet, Iloilo — OCTA

111

Kinakitaan na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, maliban sa Metro Manila ay tumataas din ang kaso sa ilang bahagi ng Calabarzon, Benguet, at Iloilo.

Inaasahan na rin ng OCTA na magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng kaso ang ibang mga probinsya ngunit ito ay panandalian lamang.


Matatandaang nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang muling pagtaas ng kaso ng virus sa bansa ay ang pagtaas ng mobility, pagpasok ng mga subvariant, at pagbababa ng immunity ng bakuna.

Facebook Comments