OCTA Research Team, nagbabala sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos payagan ng DILG na makapag-mall ang mga bata kasama ang kanilang magulang

Nagbabala ang OCTA Research Team sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sakaling payagan nang makapasok ng mall ang mga bata.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Guido David na nauunawaan nilang nais lang balansehin ng gobyerno ang kalusugan at ekonomiya.

Gayunman, dapat pa rin aniyang maiwasan ang overcrowding sa mga establisyimento para hindi magkaroon ng COVID-19 transmission.


Kaugnay nito, nagpa-alala si David sa mga magulang na kung sakali mang lalabas ay panatilihing nakasuot ng face mask ang kanilang mga anak.

Una nang nagbabala si dating National Task Force (NTF) against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon na maaaring maging ‘super spreaders’ ng COVID-19 ang mga bata kapag pinayagan silang lumabas ng bahay ngayong holiday season.

Facebook Comments