Nababahala ang OCTA Research Group sa posibilidad na walang gaanong maging epekto sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang umiiral ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan.
Ayon kay Fellow Prof. Guido David, umabot sa negative ang growth rate ng infections sa dalawang linggo implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa 60% na naitala bago ito ipatupad.
Pero, batay sa datos OCTA, tumataas aniya ang positive growth rate ng virus simula ng maging MECQ at bahagyang luwagan ang mga quarantine restriction.
Nabatid na ngayong linggo ay nakapagtala ng 4 percent na growth rate ang OCTA sa National Capital Region Plus Bubble.
Kahapon ay naitala ang 10,726 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan upang pumalo sa 914,971 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa buong bansa.